Huwebes, Agosto 23, 2012

Gym Crush

Di ko pa matapos tapos ang iksena ng sagupaan namin ni FSboy.

Bago yun, eh ito muna.

-----------

Mag-5:30 na ng hapon nang dumating ako sa gym. 

Excited ako, di lamang dahil sa masarap ang pakiramdam habang tumatakbo at nagbubuhat, kundi dahil din sa kanya.

Di ko pa actually alam ang pangalan nya. 

Pero kahawig nya talaga si Jake Cuenca na siyang crush na crush ko....

Gosh! Basa na ang panty ko!!!


Mas matangkad cia sa akin. Matipuno ang pangangatawan. Maputi sa moreno. At may braces sa ngipin (ay alam na! lolz).

Nuong una ay di ko pa cia masyadong napapansin. Ngunit sa katagalan ay bigla nalang nagliwanag ang aking makamundong isipan... Sa lahat ng mga nakakasabay ko, cia ang pinaka-type ko. Lalo na't kamukha nya ang crush kong si Jake.

Araw-araw halos ako sa gym. Pero siya, every other day. Minsan nga eh nawala siya ng matagal. Nakakamis din pala ang mokong, kahit di naman talaga kami nagpapansinan. Siryoso kuno kasi ako sa pagbubuhat, kaya wala actually akong pinapansin masyado kundi ang mga instructors (taray much?!).

Lately may napansin akong kakaiba (or guni-guni ko lamang ito... wahahaha). Pagkatapos ito noong matagal din akong nawala (nagbakasyon kasi ako). Sa tuwing nagkakasalubong ang aming mga mata ay dali-dali nyang inililihis ng tingin ang kanyang pogi eyes. Aba! Na conscious naman ako, na parang may malaking muta sa aking mga mata. 

Pero kanina, biglang nag iba ang ihip ng hangin. 

Nagkataong nasa bench ako. Shoulder-legs ang routine ko kanina. 

Ito ang ginagawa ko noon. Pretty ko ano...
Kasisimula ko lang sa seated barbell press nang pumwesto cia sa bandang harapan ko. Nag nag-cable pulls exercise ng abs. At ang posisyon, nakatuwad.

Like this oh.... Jusko dirty thoughts!!! Tukso! Layuan mo ako!!!
Sabi nga ni Coco Martin... Yummy!!!

Wahaha... Buti nalang di ako masyadong na arouse, bagkus, eh lalo akong ginanahan sa aking ginagawa (uy inspired!). Magpapalit na ako ng routine ng biglang lumapit si gym instructor at inusog ng konti ang bench palayo kay crush. Jusko! Binasag ang trip ko!

Pero, while inuusog ng kumag ang bench, napa smile naman si crush. OMG. Nabasa ulit panty ko. So patuloy kami sa kanya kanya naming routine, nang biglang may dumating na gurlash. 

Napansin ko na dati na mukhang magkakilala sila. At kanina nga eh narinig ko (oo, chismoso ako.. hahaha) na nag uusap sila tungkol sa work. Si babae actually eh parati akong kinakausap. Karamihan ng mga sambit nya eh, "uy, ang payat payat mo na.... Ang ganda na ng katawan mo ngayon." Ako naman eh mahiyain, ang tanging sagot ko lang eh, "Salamat." Sabay sabi, "Kulang pa din, kelangan ko pa ayusin ang abs." 

Balik tayo sa kwento. Aba nag uusap sila. Ang lapit na sa akin. Ako naman tuwang tuwa kasi lalong napapalapit sa akin si crush! Ang bilis ng pintig ng puso ko Kuya Eddie. Parang heaven lang. 

Basa na naman ang panty... Paki-abot nga ng pasador! Pronto!

Pero may napansin ako sa boses nya. Tumunog yata ang gaydar ko...

Hmmmm....



Maya maya ay nagkahiwalang na kami. Nakaupo ako, habang nag-legs isolation exercise.

Ganito... Ang ganda ko ano?

Tumingin ako sa kaliwa. Andun pala si mokong sa may lockers. Sa tapat ko lang. Nakaupo. Nakabihis na. At nag-aayos ng buhok sa harap ng malaking salamin. At doon nagkasalubong na naman ang aming mga mata. Ang buong akala ko eh ililihis na naman nya ang kanyang pagtitig. Pero nagkamali ako. Matagal ang pagtitig nya sa direction ko. Na conscious ako bigla. Ako na ang humiwalay ng tingin sabay lingon sa opposite direction. Aba, wala parang ibang tao sa direction ng tinititigan nya. GOSH! Lalo akong nanglambot. At lalong nabasa ang aking panty! 

Tumingin ulit ako sa direction kung nasaan cia pero madami nang taong nakaharang sa gitna. Pero napapansin ko pa rin na tumitingin tingin pa din cia sa kinaroroonan ko. 

Maya maya ang tumindig na ito at umuwi.

Haayyy... Imagine mo anong naramdaman ko noon.

Para akong hihimatayin sa paghaba ng aking hair....

Sana sa susunod eh makausap ko na cia. 

Malay mo.

Ehem.... :D





5 komento:

  1. ayus ah. I always thought that the gym is one of those safe places to meet people. try mo kaya mag wave or smile-and-nod :) baka magreciprocate.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. cge try ko mag smile.... makapag-toothbrush nga. hahahaha...

      Burahin
  2. pano mo matatapos eh lagi mo kami binibitin sa kwento mo kay FSboy..haha!

    ang saya talaga sa gym busog na busog ang mata ko lagi sa mga abs at busog na busog din ang mata nila saken chos!...

    sobrang haba na ng hair mo gurl..ikaw na!

    TumugonBurahin
  3. yang mga ganyang gestures naku! panigurado may part 2 pa yan.. may progess.. tsk!

    pansin ko may fetish ka sa braces

    TumugonBurahin
  4. gurl, sa susunod na magtagpo kayo ng titig, quarter turn ka sabay lakad sa opposite direction! Very model lang! hahaha

    TumugonBurahin