Biyernes, Agosto 3, 2012

Si FSboy - Pagka-praning... Paghaba ng hair!

Mahigit isang oras bago cia dumating ay paikot ikot ako sa loob ng room.

Talo ko pa ang isang dagang may sili sa pwet.

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

Pano kung di ko cia magustuhan?

Pano kung mangloloko pala cia?

Pano kung holdapin ako sa loob ng kwartong ito?

Nakita kong may safety deposit box ang room.

Pero sa katangahang palad, di ko ma decipher kung papaano gamitin ito... (jusko!!!)

Parang ganito lang.... Kakalito nga lang kasi the instructions eh.... (Boba!)


Ano na ba ang gagawin ko??

At bigla kong naisip ang isang magandang idea. (Ting! Parang cartoons lang)

Ang solusyon??!

Sa side table ng kama ay may nakalagay na bible sa loob ng drawer.

Alam mo anong ginawa ko?

Kumuha ako ng ilang bills at ipinalaman sa page kung nasaan ang verse ng Psalm 23!

Oh divah! Buti di ako nasunog nung mga panahong yun! (hihihihihi...)

Di pa ako nakuntento.

Nag-crumple pa ako ng ilang bills at itinago sa loob ng sapatos ko.

At take note, di ko lang basta ipinasok sa sapatos ko, binalot ko pa sa loob ng medyas.

Oh divah! kadiri ko lang!


Oh divah bongga!

Kahit holdapin ako ng mokong eh may nakatago pa rin aking anda.

Mejo confident naman ako na di nya titingnan ang bible.

Di rin naman nya siguro hahalukayin ang aking medyas sa loob ng aking sapatos.

Genius!

Pagkatapos nuon ay mejo X-rated na.

Sabihin nalang natin na kelangan kong "linisin" maigi ang aking sarili, (in and out!) para handa ako kung ano mang bakbakan ang magaganap.





So balik sa kwento...

So andun na nga.

Nasilip ko na cia sa peephole.

Naka puting t-shirt, at semi fit na maong.

Pagbukas ko ng pinto, parang nahiya ako.

Di ko alam kung kakamayan ko cia or ano.

Pagpasok nya, cia na ang naunang nakipag kamay.

"Hi I'm FSboy. Oh yan ha? Nag kita na tayo! Sorry na-late ako."

Tapos na smile cia.

Di ko alam kung kikiligin ako oh ano.

Nuon ko lang nakita ng buo si FSboy.

Katamtaman ang haba ng buhok nya at may "just out of bed" style.



Matangkad cia, mga 5'9".

Balingkinitan ang pangangatawan.

Moreno ang balat pero mistizohin ang ichura. 



Matangos ang ilong.

Mapupungay ang mga mata, deep set.

Makinis naman ang balat nya, kaso halata mo ang healed marks ng acne.

Oo. Guapo cia, at di ang kinakatakot ko.

Pero ang lubos na nagpa turn on sa akin ay ang kanyang nakabibighaning smile, at ang kanyang magagandang mga ngipin na nakakulong.




"Ok lang naman. Nanuod nalang ako ng tv. Nagtry ako mag internet, kaso di ako maka-connect."

Nagtuloy tuloy ang usapan namin.

Magaan ang loob ko sa kanya.

Para bang matagal na kaming magkakilala.

Pero na-conscious ako noong nalaman ko na 18 pa lang pala cia, at graduating sa isang private school sa manila.

Biglang naputol ang usapan namin noong may naalala cia.

"Teka, may naghihintay pala sa akin sa baba."

Pumunta cia sa may bintana at itinuro ang isang sasakyang naka park sa tapat ng hotel.

Naka hazard-lights pa ito.

"Yan si manong. Pinaghintay ko kasi muna cia. Ang sabi ko dadalawin ko lang yung mga barkada ko na nag celebrate ng birthday dito."

Kinabahan ako. Ibig sabihin ba eh uuwi na cia agad?

"Actually pinahintay ko talaga cia. Parang getaway vehicle... Hahaha. If ever kelangan kong tumakas. Kasi baka di kita magustuhan. Pero ok naman pala."

Shet!!! Pakitirintas ang buhok ko! Umabot na yata ng EDSA! Jusko ganito pala ang feeling.

Omaygas!!!

"Bolero ka pala?!" Ang tanging nasambit ko.

"Dito ka lang ha.. Silipin mo ako sa baba. Baka sabihin mong niloloko lang kita."

Ano tong batang ito? Mind reader?

At bumaba nga cia at nilapitan ang sasakyan.

Nagusap sila sandali at umalis na ito kaagad.

Pagkabalik nya sa kwarto, tinanong nya ako.

"Kumain ka na ba? Tara treat kita. May alam akong isang magandang resto dyan sa tapat. Wag kang mag alala. Ako magbabayad ngayon."

At nag flash cia ng credit card.

"Extension card ng daddy ko." Sabay smile sa akin.

Jusko po! Hihimatayin na yata ako!

Anong sabi ni Rapunzel dito?



Yeah gurl, speachless ka ano? 

Mas mahaba ang buhok ko kesa sa iyo gurl! (bwahahahaha!)



...to be continued...









7 komento:

  1. haaay! grabeeee kaaaaaaaaaaaaaaaa! ang tapang mo talaga

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Shalamat friendship! Sorry sa late reply nag bakasyon grande ang lola mo! Chos! :D

      Burahin
  2. Mga Tugon
    1. Hi gurl! welcome sa blog ko... sencia na sa mejo rated 18 entries minsan. lolz. :D
      Nice to meet you darleng! :D

      Burahin
    2. eto nga ang mga gusto ko eh R18 chos!
      nice to meet you too dear :D

      Burahin