Yahoo Messenger or YM.
Karaniwan na siguro sa generation ng Y2K youth ang katagang ito.
Ang YM ko nga ay active na nuong ako'y highschool pa lamang.
Chat dito. Chat doon.
Pero puro kalokohan lang ang lahat nang iyon.
Actually natuto akong mag type ng mabilis sa keyboard dahil sa kaka-chat.
Pero noong nagkaroon na ako ng trabaho,
at lumawak na ang mga makamundong pagnanasa,
ay naisipan kong gumawa ng secret YM account kung saan ako'y nakakapaglandi nang hindi malalantad ang aking katauhang tago sa ibang tao.
At doon nga kami nag uusap ni FSboy.
One week before kami mag meet, biglang nag message sa aking ang mokong.
*Ding!*
FSboy - Saan ka na?
Me - Eto nasa work pa din.
FSboy - Nagpabook ka na ba ng room sa *insert name of hotel here*?
(hotel ha di motel... Char...)
Me - Eh wala pa akong credit card eh. Kelangan yata pag nagpabook online may cc ka.
FSboy - Ah ok. So cash mo nalang? Try mo nalang tawagan kung magkano ang rate.
Me - OK. Tatawagan ko mamaya.
F - Uy... Excited na talaga ako. One week na lang. Dito nga pala ako sa beach. Pinapanuod ko ang brother ko mag surf.
M - Oh. (Aba sosyal ang hobby ng familyness... gosh!) Eh ikaw? Bakit di ka nag surf?
F - Eh na accidente kasi ako. Di pa masyadong malakas ang legs ko.
M - Ah ok. Ingat ka kasi. Pano na tayo nyan?
F - Aba??? Nagpapasweet ka?
M - Di... Normal na sa akin ito.
F - Talaga lang ha? Ok sige. Magmessage nalang ulit ako sayo. Bye. Mwahh...
Aba! at nag mwaahhh ang loko...
Kinilig naman si ako.... hahahaha...
Pero isang problema.
Wala man lang ciang iniwang cellphone number.
Sabi nya. May problema ang phone nya.
Tatawag nalang daw cia pag malapit na cia sa hotel.
Hiningi nya ang number ko.
Daya ano?
Yun isang reason kung bakit nag aalala ako.
Ayokong mapanis ang beauty ko sa kakahintay ano!!!!
Jusko!
Ayoko ng indian pana!
American Indian!
Jusko! Futakels...
Gagastos ako ng malaki tapos Me, Myself and I lang pala ang makakasama ko sa loob ng malamig na cuarto!
Pero naniwala pa rin ako.
Sa destiny? Char!
Serendipity lang ang peg!
Charot ka bayot!!!!
Kung ukol, bubukol!
Char ulit!
Grabe na ka bayot!!! (Bayot is beki in visaya mga tsong!)
Balik sa story...
Dumating ang araw na pinaka aabangan.
Kelangan ko pang dumaan ng SM North noon kasi kelangan kong mag last fitting sa susu-uting (susu at utin???? lolz bastos lang) americana para sa kasalang gaganapin kinabukasan.
Oh diva bonggabelles...
Kung nagkataon.
Mauuna pa ang abay na madiligan kesa sa mga ikakasal.
Ikaw na!
So nag meet kami ng fellow abays.
Sukat sukat.
Swak naman.
Tapos kain kain.
Nagpaalam akong aalis at di na sasama sa mga lakad nila.
Aba ang mga loka loka.
Talo pa ang siberian husky sa pang uusisa.
Parang ganire lang ang peg! Cute noh? Pero di sila ganyan ka cute! wahahaha.... |
Kesho may date daw ako.
Futakelles sila...
Sabi ko naman...
Paki alam nila!
Single naman ako, at super ganda!
Charot ka bayot!!!
Parang kaya kong sabihin yun divah!
So ayun na nga.
Nag hiwalay kami.
Beso beso. (Charot lang... hahaha)
Kaway kaway na parang candidata ng isang beauty pageant! (hahahaha)
Pagkalabas ko ng SM, di ko maintindihan ang aking nararamdaman.
Excitement?
Takot?
Basta isang libong paru-paro na yata ang nasa loob ng aking tyan.
Para akong masusuka or something.
Sumakay ako ng taxi.
Dala dala ko ang isang backpack.
Sa loob nito ang aking kikay kit.
At ciempre mga damit para sa out of town na kasalang pupuntahan bukas.
Pagkababa ko ng taxi, eto na.
Para akong sinuntok sa tummy ko. (as if nasuntok na ako dba? arte much!)
Concierge ng hotel! Charot lang! Hahaha... |
Cute boy na concierge - Sir ilang araw po ang stay ninyo?
Shit! Naalala ko. Di pala ako nakapa reserve ng room! Putakelles!!!
Me - Overnight stay lang. May available pa bang room?
CBC - Sir. Yung available nalang po eh ung one bedroom suite. Queen-size bed po.
Me - Ah ganun ba? (Shit! Isang bed lang! Buti nalang
CBC - Okey lang sir.
Me - Pwede bang ikaw muna kasama ko sa room habang wala pa cia. Or kung di cia dumating???? (hahahahaha.... loko lang...)
At sumakay na nga ako sa elevator papunta sa room.
Infairness. Maganda nga.
Pagpasok mo may parang mini kitchen na may sink, coffee maker at iba pang anek anek.
May small dining table din.
May mini sofa na nakatapat sa isang flat screen tv.
At separate ang bedroom ha?
Parang gusto kong talun-talunan ung bed pero siempre...
Gusto kong maganda cia pagdating ni FSboy.
Pagpasok ko ng cr, laking tuwa ko!
May bathtub!
At higit sa lahat! Malinis! Oh salamat.
Kahit di ako siputin.
At least ma eenjoy ko ang hot bath sa bathtub!
parang ganire lang... |
Nakaka asiwa ang porma ko.
Parang ang pormal.
Naka long sleeves, leather shoes, pero naka black maong pants lang naman.
Magbibihis sana ako. Kaso sabi ko. OK na ito at least mag mukha akong kagalang galang...
(Charot nalang....)
Alas singko na. Wala pa rin tawag mula sa kanya. Buti nalang may Internet.
Nag try ako mag log in sa YM. Pero di sinwerteng makapasok.
Leche... Mukhang ma-iindian yata ako ah.
Nagmamaktol na ako sa sofa, nang biglang nag ring ang phone ko.
Di ko kilala ang number
Me - Hello?
Boses - Hello! Nasa hotel ka na?
(Jusko pong pineapple!!! Salamat!!!! Infairness first time ko narinig boses nya. Pwede!)
Me - Oo. Mga isang oras na ako dito.
FSboy - Uy sorry ha? May lakad kasi ako. Konti nalang matatapos na ito. Handa ka na ba?
(Kahapon pa!)
Me - OK naman.
FSboy - Nga pala. Bumili ka na ng condom?
(Walastik! Condom? Never pa akong nakabili ng condom!)
Me - Di eh. Pwedeng ikaw nalang?
FSboy - Malabo ako makabili eh. Baka makita nila ako.
(Pahamak naman ohh...)
Me - OK. Bababa nalang ako at maghahanap ng drugstore.
F - Meron dyan sa baba. Mercury Drug. Sa tapat lang ng hotel.
Me - OK.
F - Anong room number nga pala?
At binigay ko ang number ng room. Binaba ang telepono.
Nahanap ko agad ang Mercury Drug. (Gamot ay laging bago!)
Kaso nahihiya pa rin akong bumili ng condom!
Jusko naman. Alam kong di nila ako kilala.
Pero naman po... Sa totoo lang. Nitong bago lang ako nakabili ng condom.
At di pa sa pilipinas yun! Ahahaha....
So sa makatuwid. Wala akong nabiling condom.
Puro chichiria, tubig at juice lang ang nabili ko.
Hiya talaga ako eh. Chos!
Bumalik ako sa room.
Nanuod ng TV. Jusko kulang channels. Wala man lang Discovery or National Geographic.
Bored na bored na sa makatuwid.
Alas saiz na mahigit.
Jusko mukhang maiindian nga talaga ako.
Parang maluluha na yata ako. Mag aalas ocho na ng gabi wala pa cia.
Mga 7:50.
*Tok Tok Tok*
Shit! Bumalik ang mga lecheng paru paru sa tyan ko!
Sya na nga ba ito?
Or ung poging concierge lang... (landi lang divah!)
Lumapit ako sa pintuan.
Sumilip sa maliit na telescopyo.
Aba. Di si concierge.
Nakaputi na t-shirt.
Naka mejo fit na maong.
Cia na nga yata ito.
At binuksan ko ang pinto.
At andun cia.
Ang ganda ng ngiti....
...to be continued...
Ang tapang mo ah.. di ko to gagawin ng walang assurance
TumugonBurahinEwan ko anong pumasok sa isipan ko at ginawa ko ito. Pero super praning kaya ako noon.
Burahinako alam ko kung anu pumasok sayo.. hahaha! #AlamNa
Burahinchoz!
Ang tao talaga pag tinamaan ng libog hahamakin ang lahat masubo ka lamang.. hihi! joke lang teh :)
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
BurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
Burahinna add na kita
Burahin