Linggo, Hulyo 29, 2012

Si FSboy - The Beginning



Friendster.

Karaniwan na cguro sa atin ang salitang ito.

Ito ang sikat nuong wala pa ang Facebook.

Nuong una ay puro updates lang ng mga kaibigan ang pinagkaka-abalahan ko dito.

Pero di nag laon ay nakahanap ako ng kakaibang gamit ng Friendster.

Naging instrumento ko ito para sa isang makamundong gawain.

Sa tuwing ako ay mag babate, si Friendster ay parating nariyan upang mag hain ng iba't ibang putahe para sa aking malilikot na mga mata at malawak kong imajenasyon. 

Bale wala ang porn, kung makikita mo naman sa Friendster ang mga poging lalaking naka ladlad ang mga maaamong mukha at matitipunong pangangatawan.

Nagpatuloy ang ganitong mahahalay na gawain, hanggang sa isang araw ay may naisipan akong kakaiba.

Napunta ako sa page ni FSboy (di totoong pangalan).

Punong puno ng picture ng iba't ibang lalaki ang page nya noon.

Ilang beses din akong bumalik upang pagnilayan ang makikisig na mga hombreng naka paskil sa kanyang mga albums.

Di ko alam kung pano ko sinimulang kausapin si FSboy.

Pero ang nangyari ay nagkamabutihan kami.

Hiningan ko cia ng litrato.

Nagbigay naman cia.

Ang layo nga lang ng kuha.

Mukhang matuwain ang taong ito.

May hawak ciang mais.

Wari ay kumakain, habang nakaupo sa silya.

Di ko maaninag magyado ang mukha.

Pero mahahaba ang mga galamay nito.

Mukhang matangkad.

Ilang beses pa kaming nag uusap

Hanggang dumating sa puntong



FSboy - Magkita tayo.

Me - Huh? Natatakot yata ako. Di ako sanay makipagkita.

FSboy - Natatakot ka sa akin?

Me - Ahhhh.. Kasi ganito. Di naman sa di ako naniniwala sa iyo. (Although talagang iniisip kong mamatay tao or magnanakaw cia.) Pero alam mo na. Di natin alam.....

F - Ok naiintindihan ko. Basta ganito nalang. Pili tayo ng magandang hotel. Ung desente talaga at di ka matatakot sa loob.

M - Pwede rin. Ikaw bahala.

F - Sige. Sa ganitong week ok ka? (Di ko na maalala anong week ung sabi nya.)

M - OK. Mukhang ok ako dyan.

F - Sige. Ikaw maunang mang check-in. Tingin tingin tayo ng hotel.

M - OK.

F - Itong site na ito. Dito kami ng mga barkada ko nuon nag check in.


Pinuntahan ko ang site. Saktong alam ko ang hotel na iyon. Doon naka check-in ang tita ko noong sumali cia sa Game ka na ba! 

Ung game show ni kris aquino.

Mejo mahal.

Pero magaganda ang mga kwarto.



F - Wag kang mag alala. Share ako sa bayad ng hotel.

M - OK lang. Tingnan nalang natin.

F - Sige. Excited ka na ba?

Aba ang loko. Assuming!

M - OO. Excited at kinakabahan.

F - Good!

M - Anong good???

F - Good kasi ako din kinakabahan.


At nagtawanan nalang kami sa kalokohang gagawin namin.

Di ko alam, na ang usapang ito pala, ay simula na na isang di malilimutang pagtatagpo.



- to be continued...




2 komento:

  1. pinanganak ka para mambitin ng tao... hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mahaba habang kwento kasi ito tsong! actually, malaking parte cia ng buhay ko.
      Abangan nalang kung bakit.
      etch kinda complicated eehhyyy....
      davaahh...

      Burahin