Huwebes, Hulyo 12, 2012

High






sa bawal singhot
aking nadarama
parang di na sumayad sa lupa
ang aking dalawang paa


isang singhot ulit
at ako'y namimilipit
ang aking mata ay tirik na
ako'y wala nang hihilingin pa


kailangan siidin
kailangan sulitin
baka bukas makalawa
ay di na ako makakakuha pa


iba talaga ang naidudulot
kakaibang saya
para bang ako'y
nasa piling, nasa tabi nya


wag ka na sanang mawalay sa akin
bakit ang hirap mong maangkin
oh puting brip ni pogi
sana'y amuy kita lagi









2 komento: